Jose Rizal “The youth is the hope of our future. ”

Remembering Pitok

Posted by admin on Jan 26th, 2009 and filed under Featured. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Remembering Pitok

A tribute to Angono muralist Jose Blanco passes away, 76
Jose “Pitok” V. Blanco is the indisputable master of Philippine genre painting. Blanco tells us what it is to be a Filipino in Folk traditions and in contemporary artistry. He is the father of seven renowed filipino painter of Angono, Rizal

jose_blancoNagluksa ang buong  Angono sa pagpanaw ng isa sa pinakamagaling na pintor at
muralista ng bayan.

Kilala si Pitok Blanco  hindi lamang sa bansa kungdi maging sa ibayong dagat man.
Sinasalamin ng kaniyang mga Obra Maestra ang makulay na kultura at sining ng
bayan. Dito ay mababanaag ang kasimplehan ng buhay ng ating mga kababayan na
siya namang nagpatingkad sa tema ng kaniyang obra.

Isang luksang parangal ang inihandog ng Pamahalaan ng Angono na
pinangunahan ni Mayor Au Villamayor. Dito ay kinilala ang husay at galing ng
dakilang pintor. Pinahalagahan  ang  kontribusyon ni G. Pitok Blanco sa larangan ng
Sining at ito ang naging dahilan kung bakit ang bayang Angono ay nanatiling kilala at
namumukod.

Isang malaking kawalan ang pagpanaw ng ating kababayang pintor hindi lang sa
pamilya kungdi sa buong bayan at sa komunidad ng mga alagad ng sining.

Mananatili sa Museo ng pamilya Blanco ang karamihan sa kanyang obra at ito ang
mga magagandang ala-ala na naiwan sa atin ng ng dakilang pintor.

Sa pahintulot ng ating kababayang si Fr. Nante Unidad, isang tula ang kaniyang
isinulat bilang pagkilala  sa ating mahal na kababayang yumao.

AMA AT PINTOR

Dakila ka Jose Pitok Blanco,
Lahi at Dugong taga-Angono.
Ikaw ay  Ama at pintor na tunay.
Sa pag-ibig ay walang kapantay.

Sayo’y walong pintor ang isinilang.
Guro ka ng buhay at kulay.
Ikaw ay walang kaparis na tunay,
Pamilya mo’y laging pinagsasanggalang.

Diyos ang dahilan ng iyong pag-iral.
Pag-ibig sa Kanya’y lagi mong pangaral.
Pananampalataya  una sa bawat pinta.
Katoliko kang huwaran sa bawat obra.

Tahimik ka sa iyong pagkatao,
Subalit malinaw ang hangarin mo,
Gamitin ang biyayang talento,
Sa pagpupuri sa Diyos at sa tao.

Pitok  larawan ka ng  totoong buhay.
Sa iyong mga pininta ay higit ka.
Pumunaw man ang iyong hininga,
Mananatili kang kulay ng aming buhay.

fr. Nante
8-18-08

You must be logged in to post a comment Login